Ano nga ba ang kaibigan para sa atin? kelangan ba talaga ng kaibigan para mabuhay? Para sa akin, Oo kasi naniniwala ako sa kasabihang "No man is an island" walang taong mabubuhay sa mundo na mag-isa lang. Oo, masasabi natin na kaya nating mag-isa pero hindi natin alam kung hanggang kelan.
Ano nga ba ang kaibigan para sa akin? Kaibigan?? Matuturing ko na kaibigan ngayon ay ung mga taong handa akong intindihin kung anong ugali meron ako, ung mga napapasaya ako sa simpleng biro, ung kaya akong awayin pag may nagwa akong mali at higit sa lahat ay ung andiyan pag kailangan natin ng matatakbuhan.
Sino nga ba ang kaibigan natin? Madami tayong pwedeng ituring na kaibigan pero hindi lahat kaya nating pagkatiwalaan at ituturing tayong kaibigan. Nasa atin na kung paano natin pakikisamahan ang isang tao, ibigay ang buong tiwala natin, at handa nating ibigay ang pag-aaruga natin sa taong iyon.
Hindi lahat ng kaibigan dapat nating pakisamahan nt gayahin sa laht ng bagay. May mga kaibigan na hindi maganda ang maidudulot sayo o di naman kaya tuturuan ka ng mga bagay na hindi mo dapat gawin.
Nung highschool ako, nagkaron ako ng mga kaibigan na kaya akong tanggapin kung sino at ano ako. Kaibigan ko pa din sila hanggang ngayon, may mga times na nagkakasama at meron din namang hindi naiintndihan ko sila sa kung ganoon, kasi alam ko may sarili sarili kaming buhay na dapat ausin at bigyan ng halaga. Dumating ung point na sumama ang loob ko sa kanila dahil sa isa kong kaibigan na sinabihan akong "Hu u" sa text, napakasakit isipin pero dapat kong tanggapin. Kinausap ko sila ng maayos at nakapagexplain sila at naintindihan ko kung bakit niya nagawa un. The lesson I've learned from this is: Kailangan nating intindihan ang mga kaibigan natin kung may mga nagagawa man silang hindi maganda para sa atin. Kahit anong gawin nila, sila pa din ung mga taong kaya tayong intindihin o unawain sa lahat ng oras.
College friends? I'm lucky to have my college friends. Pero hindi natin maiiwasan na magkaroon din ng problema sa isang grupo. Sa naging problema namin, isa lang ang natutunan ko. Wag kang magpadalos dalos sa nararamdaman mo kasi malay mo may nasasaktan ka na. Intindihin ang bawat isa at bigyan ng pagkakataon magpaliwanag at maglabas din ng saloobin.
Madami akong kaibigan pero isa lang ang masasabi ko sainyo YOU ROCK MY WORLD !! WITHOUT ALL OF YOU, I'M NOTHING! THANK YOU FOR EVERYTHING, FOR THE TIMES YOU'VE SPENT WITH ME, FOR THE TEARS, FUNNY JOKES AND LESSONS THAT INSPIRES ME A LOT!! I LOVE ALL OF YOU! YOU KNOW WHO YOU ARE Ü

...yah correct..without friend your nothing.buti nalang friend kita..salamt po ...igat lagi mwahhh...
ReplyDelete